Saturday, March 1, 2008

Frustrations

Para naman maiba. :) Puro na lang kasi dream come true ang nasa blog ko, hehe. At sa unang pagkakataon, sisikapin kong magsulat gamit ang wikang Filipino. Para din maiba. :)

Una, gusto kong maging mananayaw. Noon pa. Nursery nga ako marunong na akong magsuot ng 2-inches ballroom shoes. Gusto ko rin magballet. Kaya lang hindi bagay sa akin. Puwede sana ballroom  (yung tipong hindi nababalian ng buto kapag nag-deep na sa Tango hehe). Pangarap ko ring tumilapon habang nagsiswing at pangarap ko rin na maging ala J. Lo (hindi Jun Lozada ha) na sumasayaw ng hataw to the max. Hahaha! Ano bang kajologan 'to. :))

Kaya lang wala atang chance para magawa ko pa ito. Aba, baka mawalan na ako ng credibilidad. Haha. Kaya kung magsayaw man ako ng hataw to the max, siguro sa bahay lang (tanungin niyo si Nix kung ano itsura ko kapag tinugtog ng ang Hollaback girl. :p) o kaya kapag pinapanood ko si Shaun T. sa Hiphop Abs. :)

Hay.

Pangalawa, pangarap ko ring umarte sa teatro. As in yung malaking teatro ha, hindi skit sa eskwelahan. Nagawa ko siguro ito nung nasa kolehiyo ako kung hindi ako miyembro ng Perspective. Ewan ko ba, pakiramdam ko kasi dapat seryoso ang "image" ko noon. Ayoko kasing maging "theatre celebrity" na news writer at editor. Diba parang hindi bagay? Kaya hanggang pangarap na lang ang pag-arte on stage.

Isa pang hay.

Pangatlo, pangarap kong tumugtog ng violin. Na siyempre mahirap nang pag-aralan ngayong "matanda" na ako. Kaya pinabayaan ko na lang na kunin ng crush ko nung freshman ako lahat ng musical talent na meron sa mundo. Kung devcom ka, kilala mo kung sino tinutukoy ko! *blush*

Ay naging pangarap ko din palang maging gymnast, yung tipong tumatumbling hanggang sa kabilang dulo ng gym tapos magiging commercial model ng Milo. hahaha :))

Ano bang nakain ko ngayon. Tsk. :))

Tulog na ata ang kailangan ko. :D

5 comments:

  1. thea, parang di bagay sa'yo ang magtagalog. ;-) pareho tayong nakalimutan ang teatro, yun first love ko. hehehe.

    ReplyDelete
  2. hehe.naku, ate thea...suicidal talaga kung nangyari ito noon. Parehong haggard ang dalawa. Kung emotionally stressed sa [P], physically exhausting naman ang theater.

    Sino 'yung devcom na magaling mag-violin? hehe...

    >>I agree with ate nina. Parang 'di nga bagay sa'yo ang managalog. :) hehe.

    ReplyDelete
  3. ate! nag-ballroom kayo ni kua j dti db? hehe ;) iyon ay steeping stone kunwari haha ;)

    ReplyDelete
  4. hindi pa rin enough yun maging stepping stone, rizza. :) hehe

    ReplyDelete
  5. Bakit kaya ang lakas ng tama sa akin ng blog na ito? Haha. Mabuhay ang mga nadeprive? :-D

    Literally dancing is really not on my list of things I want to do. But everybody should "dance" in the figurative sense.

    I've always wanted to draw. And to tell you the truth, there's still part of me that knows I write pretty decent songs. My college band didn't last long enough, and I never had the time to pursue opportunities after that.

    Sigh. For six years I dreamt of being a Rock Star Instructor, but nobody shared my genre anymore.

    hehe. Wait. You DO realize dancing ability is an asset for reporters, isn't it?

    Not that you need it, considering you get news leads and documentary sources as birthday gifts... But hey, in the biz, it can't hurt to be even MORE charming, eh? hehehehe

    ReplyDelete